“NATIONALIANS are compassionate, trustworthy, resilient, industrious and repectful” . Ito ay ang limang Core Values ng National University na dapat gampanan ng bawat estudyante.
Ako ngayon ay Accountancy student ng National University, sa aking palagay mahirap gampanan ang mga iyon. Marahil sa iba ito ay madali, Ngunit para sa akin mahirap itong gampanan. Ito ay dahil sa maraming temptasyon ang nakalaan sa atin at marahil ito ay nakakagambala sa ating pagaaral. Isa dito ay ang mga “Gadgets” katulad ng cellphone. Dahil ito ay isa sa dahilan para kuhain ang iyong atensyon. Alam ko na ang cellphone ay isa sa mga kagamit-gamit sa panahon ngayon. Marahil isa itong ginagamit sa pakikipagkomunikasyon sa mga kaibigab, kaklase, pamilya, teacher, mga kamag-anak at iba pa at isa ito rin ay may kakayahang gumamit ng inernet, sa pamamagitan ng Wifi at Data Connection upang magamit mo ito sa iyong paghahanap ng iyong mga kailangan sa pagaaral.
Ngunit kung titignan mo ito sa kabilang dako, ito rin ay isa sa nakakapag-destruct sa iyong pagaaral dahil sa panahon ngayon ang mga kabataan ay napapadalas gumamit sa social media na kung saan, nakukuha na ito ng iyong oras na dapat ay inilalaan mo nalang iyon sa pagaaral.
Isa ding paraan ng pagkuha ng iyong temptasyon ay ang pagiging tamad o mas iisipin mo nalang na magpahinga ka nalang ng buong araw kesa sa magbasa na dapat ay pinaglalanan mo ng oras upang makatulong sa iyong pagaaral.
Kung titignan natin, sobrang dami ng temptasyon sa mundong ito at mahirap itong pagisa-isahin. Ngunit paano mo nga ba ito malalampasan? Sa paanong paraan? Ano-ano nga ba ang dapat gawin?
Sa aking palagay isang paraan na dapat mong gawin ay ang pag-adopt ng limang Core Values. Sapagkat doon ka matututong mapalago ang iyong sarili. Isa sa limang core values ay ang Compassionate na ang ibig sabihin ay pagiging maalalahanin sa kapwa. Isa ito sa dapat mong taglayin dahil iyon ay isang magandang katangian upang makilala ka ng mga taong nakapaligid sa iyo at dahil doon kakikilala ka rin bilang isang taong mapagkumbaba at laging bukas ang palad sa iba. Ang pangalawa naman ay ang Trustworty o pagkakatiwalaan. Isa itong magsisilbing gabay upang mananatali ka bilang estudyante na ka-tiwa-tiwala at isa itong magandang katangian na dapat ugaliin upang magsilbi kang magandang halimbawa sa iba dahil nga sa dahilan na ikaw ay pagkakatiwalaan. Ang pangatlo naman ay ang resilient o ang pagiging matatag. Ito ay dapat mong taglayin sa lahat ng aspeto ng iyong buhay upang sa ganon ay madali mo nalang lampasan ang mga problema na kakaharapin mo. Isa rin iyang magandang halimbawa nag-rereflect sa aking sarili dahil. Kakailanganin kong maging matatag sa lahat ng aking paglalakbay sa aking kursong Accountancy. Bagama’t ito ay mahirap ngunit ito ay malalampasan kung ako ay magiging matatag. Ang pangapat naman ay ang industrious o pagiging masipag. Dahil ang lahat ng bagay ay napagsususmikapan at lahat ng bagay ay iyong makakamit kapag itinataglay mo ang ugaling ito. At ang panghuli ay ang respectful o pagiging marespet. Ito ay dapat mong matutunan sa lahat ng bagay. Dahil kung marunong kang rumespeto sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, walang duda na ito rin ay babalik sayo at matututo din silang respetuhin ka.
Iyon ay ang limang Core Values na Dapat taglayin ng bawat estudyante. Upang lumago sila, hindi lamang sa pang-akademika kundi lalago din sila sa kanilang mga sarili at sa lahat ng aspet ng kanilang buhay.